Villar: Iba-ibang dahilan ang nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Michael Varcas (Philstar)

Maaaring naging salarin ang quarrying, subalit mayroon aniyang “confluence” ng iba’t-ibang dahilan na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon, ayon kay post-typhoon rehabilitation task force co-chairperson Mark Villar.

Aniya, “Maraming factors ang nakikita namin sa pagbabaha. Sa Cagayan, yung paglabas ng tubig sa dam and also the deforestation, na may malaking effect sa ating mga bundok.”

“Pati sa mga rivers, kailangan rin i-preserve yung volume ng tubig na kayang i-absorb ng ating mga waterways,” dagdag pa ni Villar.

Samantala, tinanggihan naman ng mga gobernador ng Albay at Cagayan na quarrying ang nagdulot ng matinding pagbaha sa dalawang lalawigan nang manalasa ang Bagyong Rolly at Ulysses.

“Maybe it’s not a one single factor, it’s a confluence of many factors,” wika ni Villar.

Nitong buwan lamang sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng quarrying operations na malapit sa Bulkang Mayon matapos magkaroon ng lahar sa kasagsagan ng Bagyong Rolly.

Ipinag-utos din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DENR na paimbestigahan ang iligal na pagmimina at pagtotroso sa Cagayan Valley.

Uumpisahan naman ng Kamara sa susunod na linggo ang imbestigasyon nito hinggil sa nangyaring malawakang pagbaha na nagpalubog sa ilang bahagi ng Cagayan at Isabela noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

LATEST

LATEST

TRENDING