Laban kontra Covid-19 pandemic, ‘mahaba’ pa kahit dumating na ang bakuna: opisyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Baguio City Mayor Magalong now also 'contact tracing czar'
Baguio City Mayor Benjamin Magalong
Kuha ni: Mong Pintolo (The STAR)

Magpapatuloy ang “long and enduring battle” ng Pilipinas kontra Covid-19 pandemic kahit dumating na ang bakuna laban sa nakamamatay na sakit, ayon sa isang opisyal noong Biyernes.

Ang Pilipinas, na ikalawa sa may pinakaramaraming Covid-19 cases at deaths sa Southeast Asia, ay nagbabalak bumili ng inisyal na 50 milyong doses ng Covid-19 vaccine.

Dahil dalawang doses ang kinakailangan bawat tao, nangangahulugan itong one-fouth lamang ng 108 milyong populasyon ng bansa ang mababakunahan sa susunod na taon.

Magpapatuloy naman aniya ang Covid-19 vaccination drives hanggang 2022, wika ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na siya ring contact tracing czar.

Aniya, “This will still be a long and enduring battle. Looking at the latest development sa vaccine, I don’t think we’ll be able to immunize everyone dito sa Pilipinas by 2021.”

Samantala, sumang-ayon naman si Pangulong Rodriog Duterte na magbayad ng advance para sa bakuna dahil sa pangambang baka mahuli ang Pilipinas sa pagkuha nito.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang pamahalaan sa iba’t-ibang vaccine manufacturers, kabilang ang Pfizer at Moderna, ayon naman kay National Task Force (NTF) COVID-19 policy chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. 

Sinabi ng Pfizer noong Miyerkules na 95-percent effective ang ginawa nitong bakuna kontra Covid-19 batay sa huling resulta ng isinagawa nitong late-stage trial of its COVID-19. Balak din nitong mag-apply para sa emergency US authorization sa loob ng ilang araw.

Samantala, ayon naman sa Moderna noong Lunes, 94.5-percent effective naman ang ginawa nitong bakuna.

LATEST

LATEST

TRENDING