Kamara, nais taasan nang ₱5-B ang calamity funds sa ilalim ng 2021 budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Isusulong ng Kamara ang pagtaas nang hindi bababa sa ₱5 bilyong calamity funds sa ilalim 2021 bugdet upang makatulong sa pagbangon at rehabilitasyon ng mga lugar na lubhang sinalanta ng mga nagdaang bagyo, pahayag ng liderato nito noong Linggo.

Inihayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na ipapanukala ng Mababang Kapulungan ang allocation hike sa gaganaping bicameral conference sa proposed ₱4.506-trilyong national budget pagkatapos aprubahan ng Senado ang bersyon nito ng budget bill.

Binanggit ni Velasco na ang pagpapasa ng Kamara sa badyet ay naganap bago pa man humagupit ang magkakasunod na Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses na ikinasawi ng marami at nagdulot ng bilyun-bilyong halaga ng pinsala.

“Given the tremendous damage caused by these successive strong typhoons, it is imperative that we augment the calamity fund in next year’s spending plan. We have to help our people rebuild their lives and their communities,” ani Velasco.

Ang inilaang calamity fund sa ilalim ng panukalang 2021 budget ay ₱20 bilyon. Sa pondong ito, ₱5 bilyon ang ilalaan para sa reconstruction ng Marawi City, habang ₱6.25 bilyon naman ang idadagdag sa quick response funds ng ilang ahensya.

“That’s a total of ₱11.25 billion that is specifically appropriated, leaving a balance of ₱8.75 billion President Duterte could use to help victims of calamities and other disasters. That balance is not even enough to rebuild Bicol, which was hit hard by Typhoon Rolly,” paliwanag ni Velasco.

LATEST

LATEST

TRENDING