Duterte, suportado ang binabalak na flood control project sa Bicol

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nakatanggap ang mga opisyal ng Bicol ng mariing pagsuporta mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa revival ng Bicol River Basin Development Authority na layong magsagawa ng proyektong kokontrol sa pagbaha sa rehiyon.

Ang Bicol River Basin Development Authority, na inorganisa ni dating Camarines Sur governor Luis Villafuerte, ay hindi tuluyang naisakatuparan dahil sa kawalan ng pondo, ayon kay Presidential Adviser on Bicol Affairs Marvel Clavecilla said.

Nagtungo si Duterte sa Pili, Camarines Sur noong Linggo upang tingnan ang isinasagawang typhoon response ng pamahalaan bunsod ng Bagyong Ulysses, na nagdulot ng matinding pagbaha sa Bicol Region.

Sa ilalim ng flood control plan ng Bicol, sinabi ni Clavecilla na tatlong barangays sa Baao, Camarines Sur ay ide-develop bilang impounding area para sa flood water. Tatawagin itong Phantom Baao Lake.

“During heavy flooding, the water will be impounded in that area. And during dry season, we can plant other crops there. But it will take — it will have a social impact on some three barangays in Baao,” ani Clavecilla kay Duterte.

Ayon naman Duterte, kung determinado ang mga opisyal ng Bicol na magtayo ng catch basin sa Camarines Sur, dapat umano silang bumuo ng comprehensive plan sa pag-relocate ng mga residenteng maaaring maapektuhan ng proyekto.

Upang maisakatuparan ito, sinabi ni Clavecilla na makikipagkoordinasyon sila sa sa Department of Public Works and Highways (DPWH), provincial government ng Camarines Sur, at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Aniya, “We need all their cooperation, their support para po maging feasible ang pag-rehab ng Bicol River Basin Development Authority.”

Sa pagtatayo ng impounding area, umaasa ang mga lokal na opisyal na makokontrol nila ang pagbaha na nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng mga residente.

Pinasalamatan naman ni Clavecilla ang pangulo dahil sa pagresponde ng pamahalaan sa epekto ng mga sunud-sunod na Bagyong Rolly, Quinta, at Ulysses.

“Ang DSWD po ang nangunguna tumulong sa amin dito sa Camarines Sur at saka sa the whole of Bicol Region,” sabi ni Clavecilla sa pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING