Deployment ban para sa health workers, inalis na ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinahintulutan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nurses at iba pang medical workers na umalis ng bansa upang makapagtrabaho abroad, pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III noong Sabado.

Epektibo agad ang nasabing pag-alis sa deployment ban, ayon sa kalihim.

5,000 health workers lamang ang pinapayagang i-deploy sa ibang bansa bawat taon.

Sa unang kautusan nito, ang mga pinayagan lamang ni Duterte na umalis ng bansa ay ang mga may kumpletong employment documents at visas as of August 31.

Ikinatuwa naman ng grupong Filipino Nurses United (FNU) ang naging kapasyahan ng pangulo.

“The nine months waiting of nurses for the temporary suspension of deployment is a big relief for those who applications to work abroad is completed or almost completed,” wika ng FNU.

Gayunpaman, iginiit ng FNU na ang taunang cap sa health workers ay hindi naaayon “hangga’t hindi binabayaran ng pamahalaan ang ilang buwang delayed na sahod, kawalan ng nga Covid-duty hazard pay, at special risk allowance para sa lahat ng  16,746 health workers.”

Ang deployment ban ay ipinag-utos noon upang mapanatili sa Pilipinas ang nurses at medical professionals para makatulong sa laban ng bansa kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING