Red Cross, hinihintay ang go-signal ng pamahalaan para sa paggamit ng saliva test

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Richard Gordon

Hindi pa nakakukuha ang Philippine Red Cross (PRC) ng approval mula sa pamahalaan tungkol sa paggamit ng saliva Covid-19 test, wika ni Sen. Richard Gordon noong Huwebes.

Aniya, “Nag submit kami dyan almost 3 months ago, pero sa health assessment I think a month and a one week na. Pero sabi sa akin nandoon na kay [Health] Secretary [Francisco] Duque.”

Ayon kay Gordon, nakipag-ugnayan na umano sila sa University of Illinois, kung saan isinagawa ang test, at sa UP College of Medicine sa pagsasagawa ng validation study hinggil sa bagong Covid-19 test.

“Pero meron tayong tinatawag na health technology assessment, nagtagal doon dahil ang gusto nila mag test kami ng 2,500. P25-million ang gagastusin namin sa test,” ani Gordon.

Mas mura at mas mabilis ang resulta umano ng saliva test kumpara sa swab test.

“So we’re still going to go to the usual test natin. Imbes na mababa natin hindi natin magawa. Inaalala ko d’yan pag nagawa ‘yun bibili pa kami ng equipment. Kung di pa ma-approve ‘yan, di pa kami makakabili,” dagdag pa ng senador.

Isinasagawa na umano ang saliva test sa ibang mga bansa tulad ng Singapore, Hong Kong, Thailand at Japan.

“Tama lang na mag-ingat pero sana konting bilis. Kung babagalan nila, ‘di natin matetest ang mga tao nang mas mabilis at mas mura,” giit ni Gordon.

LATEST

LATEST

TRENDING