Palasyo, pinuna ang tweets ng mga anak ni Robredo; OVP, tinanong kung ba’t ito pa rin ang ‘hanash’ ng gobyerno

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tinuligsa ng Malacañang noong Huwebes ang tweets ng dalawang anak ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo dahil umano sa mga kritisismo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumuwelta naman ang tanggapan ni Robredo at tinanong kung bakit ito ang pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan habang hindi pa nakakabangon ang bansa mula sa epekto ng nagdaang bagyo.

Sa isang press briefing, tinanong si Presidential Spokesperson Harry Roque na ipaliwanag ang mga maling paratang ni Duterte noong Lunes na wala umanong ginawa si Robredo para tulungan ang mga naging biktima ng bagyo at na ang pangalawang pangulo aniya ang ugat ng viral hashtag na #NasaanAngPangulo.

Gayunpaman, kinilala ni Roque ang mga tweets ni Robredo na nagbigay ng updates tungkol sa rescue operations ng mga residente sa Cagayan Valley region, na na-trap sa bubungan ng kani-kanilang mg tahanan bunsod ng pagbaha.

Aniya, “Mali naman iyong impresyon na ibinigay natin na kung hindi dahil kay Vice President, baka hindi gumalaw itong mga ito—Hindi po.”

Sinabi na Roque na ang mga malalapit kay Robredo ay nagtanong tungkol sa kinaroroonan ng pangulo. Ang anak ng bise-presidente na si Tricia ay nagtanong aniya: “Tulog pa rin? Alas otso na”.

Sinagaot naman umano ito ng kanyang kapatid na si Aika ng: “Sabado e. Weekend.”

Samantala, ayon naman sa tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez, hindi bababa sa 69 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses. Mahigit 325,000 na iba pa ang apektado habang bilyun-bilyon naman ang halaga ng pinsalang idinulot nito.

“And this administration is now spending it’s time analyzing TWEETS by VP Leni’s daughters?! Si VP Leni balik agad trabaho. Kayo tatlong araw na ito pa rin ang hanash. Sino nga uli ang namumulitika?” giit ni Gutierrez.

Sinabi naman ni Robredo na maaaring bisitahin ng kanyang mga kritiko ang kanyang Twitter account upang iberipikang hindi niya kailanmang tinanong ang kinaroroonan ng pangulo.

Aniya, “Bakit ako maghahanap na busyng-busy na nga tayo sa pagtulong at pagsagot sa mga distress calls?”

LATEST