Palasyo, nakiusap na pabilisin ang pagbibigay ng hazard pay para sa frontliners

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hinikayat ng Malacañang noong Huwebes ang mga awtoridad na pabilisin ang paglalabas ng pondo para sa health workers, matapos ibunyag ng Department of Health (DOH) na 16,000 medical frontliners sa kabahagi ng Covid-19 response ang hindi na nakatatanggap ng nasabing incentive.

Isinabatas ang Bayanihan 1 at 2 para tugunan ang health crisis kabilang ang pondo para sa hazard pay.

Kung hindi ito sapat, puwede aniyang humugot ng pondo mula sa badyet ng DOH sa susunod na taon, paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Aniya, “Ang pakiusap lang po natin, iyong mga tao po na magri-release ng ganitong kabayaran, sana po ay madaliin ‘no.”

LATEST

LATEST

TRENDING