Malacañang: Guidelines para sa paggamit ng DOH sa P17-B pondo ng PAGCOR, ilalabas na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ipinahayag ng Malacañang noong Huwebes na ilalabas na ng Department of Health (DOH) ang guidelines na magpapahintulot sa ahensya na kumuha ng bilyun-bliyong pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa implementasyon ng Universal Health Care program. 

Sa ilalim ng Universal Health Care Law, kalahati sa share ng national government mula sa income ng PAGCOR, pati na rin ang 40 percent ng charity fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay dapat gamitin para tiyaking magkakaroon ang bawat Pilipino ng access para sa “highest possible quality of health care” sa murang halaga.

“Hindi nila nire-remit kasi walang guidelines. They are waiting for DOH to finish the guidelines so they can remit the amount for UHC,” sabi ni Sen. Panfilo Lacson noong Miyerkules sa budget debates sa Senado.

Sumang-ayon naman ang DOH at PhilHealth sa nasabing guidelines, na sa ngayon ay kinakailangan na lamang ang pirma ng PCSO at PAGCOR., ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque. 

LATEST

LATEST

TRENDING