Duque, inaming may kurapsyon sa DOH hinggil sa mga pinasok nitong kontrata noon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Secretary Francisco Duque III

Inamin ng Department of Health (DOH) na pumasok ito sa mga maanomalyang kasunduan noong nakaraan, matapos magbanta si Senador Richard Gordon na haharangin ang pagpapasa sa 2021 badyet nito kung hindi aamining may kurapsyon sa loob ng DOH.

Sa ginanap na plenary hearing sa Senado, sinabi ni Gordon na P3.5 bilyong pondo ang na-withdraw noong 2015 para sa Dengvaxia vaccine, at isang hiwalay na pondo rin ang inilabas para naman sa Health Facilities Enhancement Program na dapat ay magtatayo sana ng barangay health systems.

Sa ilalim ng pamamalakad ni dating Health Secretary Jeanette Garin noong 2016,  na-award sa JBros Construction Corporation ang P3.5-bilyong kontrata na magtatayo ng mahigit 3,000 barangay health stations sa dalawang bugso. Pinutol ng kumpanya ang kontrata noong 2018 nang hindi nakukumpleto ang proyekto. Sa parehong taon, ipinag-utos Health Secretary Francisco Duque III ang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang kasunduan.

Inutusan ang DOH ng Court of Appeals na bayaran ang 270 na ipinagawang barangay health stations.

Ayon naman kay Senador Pia Cayetano, sponsor ng DOH budget, may pending na appeal aniya sa isang lokal na korte para tapusin ang kasunduan at i-blacklist ang contractor.

Aniya, “DOH terminated the contract and blacklisted the contractor, but such decision was overturned by the RTC of Manila, thus DOH and OSG (are) questioning the decision. Case is pending before the RTC of Manila.”

Samantala, tinanong naman ni Gordon si Duque kung naniniwala itong may kurapsyon sa programang layong magtayo ng libu-libong rural health units. Sinabi ni Cayetano na kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon, subalit posible umanong may mga anomalya.

Tugon naman ni Gordon: “I am tempted now to stop the budget of DOH if they themselves cannot admit that they’ve been hoodwinked especially because the Secretary of Health has already said it’s a badly planned exercise and money is lost. The question is simple: Do they agree that there is corruption as a department?”

Sumagot naman si Cayetano matapos kausapin si Duque, na nakaupo sa likuran nito.

Aniya, “The answer is yes. The secretary is responding behind me and he said yes.”

LATEST

LATEST

TRENDING