DOH: Saliva test para sa Covid-19, kailangan pa ng mas maraming review

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Hindi pa makapagbibigay ang Department of Health (DOH) ng go-signal para sa paggamit ng isang  mas mura at mas hindi masakit na saliva test para ma-detect ang Covid-19, sapagkat kinakailangan pa umano ang malawakang pagsusuri rito para matukoy ang pagiging epektibo ng test.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules kay Senador Pia Cayetano, sponsor ng DOH 2021 budget, na wala pang definitive finding tungkol sa pagiging epektibo ng nasabing test bagama’t nakumpleto na ang pag-aaral ng Philippine Red Cross.

Ipinahayag ni Cayetano sa iba pang mga senador na kinakailangan pa ng Research Institute of Tropical Medicine na magsagawa ng 1,400 na karagdagang tests para makumpara ang resulta mula sa saliva test at RT-PCR swab test, na nananatiling gold standard sa pag-detect ng COVID-19 infections.

Ayon kay Cayetano, “masyadong malit” ang inisyal ang inisyal sa sample size sa pag-aaral ng RITM. Nagkaroon din aniya ng problema ang panel ng laboratory experts sa review process kaya’t kinailangang magsagawa ng 50 na karagdagang tests.

Inanunsyo naman ng DOH na magkakaroon ng updates patungkol sa isinasagawang review sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo. Hinikayat naman ni Philippine Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon ang ahensya na bilisan ang pag-aaral.

“Bureaucracy has to move faster because we’re in the middle of a very bad pandemic,” ani Gordon.

Sinabi naman ng senador na nagsumite na ang PRC ng rekomendasyon para sa paggamit ng saliva tests at hinihintay na lamang umano ang pirma ni Duque.

Ayon sa PRC, pumasok sa standards ang saliva tests nang ikumpara sa resulta ng RT-PCR tests. Mas mura rin umano ang saliva test kumpara sa RT-PCR sapagkat hindi na kinakailangang magsuot ng protective gear ang inatasang mangolekta ng specimen. Mas konti rin umano ang requirements nito pagdating naman sa storage.

Unang nag-estimate si Gordon tungkol sa halaga ng saliva test mula P1,500 hanggang P2,500. P3,500 naman ang singil ng Red Cross sa RT-PCR swab test.

LATEST

LATEST