Roque, ipinagtanggol si Duterte mula sa isyu ng sex jokes at red-tagging ng UP students

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Dinipensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang huling komento ukol sa red-tagging laban sa mga university students at sa mga sex jokes nitong sinabi sa isang ginanap na typhoon briefing.

Aniya, “Bago pa siya nahalal na presidente, binatikos na siya tungkol diyan sa mga rape remarks niya. Hinalal pa din siya ng taumbayan… It is ratified by 91% of Filipinos who support him.”

Pinaulanan ng pambabatikos si Duterte at ilang mga opisyal dahil sa pagpapalitan ng sex jokes sa isang disaster briefing matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Roque sa isang hiwalay na briefing na paraan lamang umano ito ng pangulo upang pagaanin ang sitwasyon sapagkat napakarami na ng masasamang balita noong araw na iyon.

Umakyat sa 91% ang approval rating ng pangulo batay sa isang Social Weather Stations survey na isinagawa noong Setyembre 14 hanggang 20 na nilahukan ng 1,200 adultong respondents.

Tumaas ito nang 4% mula sa naunang rating nito noong Disyembre 2019.

Dinipensahan din ni Roque ang pangulo matapos nitong akusahan ang mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) na nangre-recruit umano ng mga kabataan upang sumapi sa mga grupong komunista.

“Marami naman na tayong kakilala talaga na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang talagang namumundok. In fact ang CPP-NPA, ang founder po niyan, instructor po sa UP, si Joma Sison,” giit ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING