P5.58-B pondo para sa mga apektadong drayber bunsod ng pandemiya, ‘di pa nailalabas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Jeepney drivers appealing to passers-by for money along a road in Manila last Wednesday. PHOTO: AGENCE FRANCE-PRESSE
Larawan mula sa:  Agence France-Presse

Ang P5.58 bilyong pondo na inilaan para sa temporary livelihood ng mga apektadong drayber sa pamamgitan ng service contract agreements sa ilalim ng Bayanihan 2 ay hindi pa nailalabas, giit ni Sen. Grace Poe noong Martes.

Sinabi ni Poe, na inatasang depensahan ang badyet ng Department of Transportation (DOTr) sa Senate plenary, na hindi pa nailalabas ang pondo para sa service contracting program base noong Nobyembre 11.

Dapat umanong inilipat ng DOTr ang pondo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa parehong araw.

Layunin aniya ng programa na tulungan ang tinatayang nasa 60,000 na apektadong public utility drivers.

“According to LTFRB’s monthly disbursement plan, they intend to disburse P2.897 billion by the end of November, and P2.263 billion by December 2020,” wika ni Poe.

Dagdag pa nito, “Since I am not beside DOTr resource persons, we will try to get an update before we end this interpellation and we’ll just forward to your office an update.”

Sa ilalim ng sistema, ang mga bus at jeepney drivers ay babayaran ng pamahalaan habang bawas ang kapasidd ng mga pampublikong transportasyon dahil sa umiiral na physical distancing.

Ayon naman kay Sen. Francis Pangilinan, makatutulong nang malaki sa mga drayber na apektado ng pandemiya kung ilalabas na ang pondo sa dulo ng buwan.

Aniya, “Kung ito ay matutuloy ng November at December, kahit papaano, mayroon silang kikitain. Bilyon din ang halaga niyan at sila ang mga jeepney driver, bus driver natin, malaking pakinabang po sa kanila.”

Aabot sa P3 bilyong ang inilaan para sa jeepney drivers sa naturang programa, habang P2.58 bilyon naman ang inilaan para sa iba pang PUV drivers.

Samantala, ayon sa bagong pag-aaral ng Ibon Foundation, libu-libong jeepney drivers sa Metro Manila ang nawalan ng P78,000 bawat isa simula nang ipatupad ang lockdown sa buong Luzon noong Marso.

Ang bawat jeepney driver sa Kalakhang Maynila, bago ang pandemiya, ay nagtatrabaho ng anim na araw bawat linggo at kumikita ng hindi bababa sa P1,000 bawat araw sa loob ng 12-hour shift, dagdag pa ng Ibon.

LATEST

LATEST

TRENDING