“Huwag ka masyadong porma-porma”: PRRD, nagalit kay Robredo sa gitna ng typhoon response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo at Pangulong Rodrigo Duterte
Larawan mula sa: Reuters

Uminit ang ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes kay Pangalawang Pangulo Leni Robredo dahil sa umano’y  “grandstanding” nito at pagkuwestyon sa kanyang kinaroroonan nang manalasa ang Bagyong Ulysses noong nakaraang linggo.

Inilarawan ni Duterte si Robredo bilang “dishonest” dahil sa pagpapanggap nitong walang alam na dumalo ang pangulo sa 37th virtual Asean Summit and Related Summits mula Nobyembre 12 hanggang 15.

Aniya, “Huwag ka masyadong porma-porma, hindi mo talaga panahon. Hindi mo pa panahon. Not time to be making a grandstanding. Hindi ninyo alam na nagtatrabaho ako. Na-timingan lang it was a summit and I cannot excuse you for not knowing it. You knew that there was a summit going on and you had the gall to say, ‘Nasaan ang Presidente?”

Inakusahan ni Duterte si Robredo na pabida umano ito sa typhoon response sapagkat alam aniya nito na busy ang pangulo dahil sa summit.

“Alam mo may summit going on, ASEAN Summit. And I was giving the longest speech there, intervention, in the Plenary. Iyon ang totoo diyan. Kaya ako lumipad doon sa Bicol. Inunahan mo ako pakunwari,” dagdag pa ni Duterte.

Ayon sa pangulo, ang ginawa lamang ni Robredo ay magtawag sa telepono at magpanggap na puwede nitong pamunuan ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Then you make it appear na gumalaw ang Armed Forces. You are not part of the command,” giit ni Duterte.

Nagbabala rin ang pangulo kay Robredo laban sa “pakikipagkumpitensya” sa kanya habang idiniin na “hindi ito magiging presidente”.

Aniya, “Do not compete with me and do not start a quarrel with me kasi ikaw wala ka talagang nagawa except ‘yang mga tawag-tawag. Tatawag ka kunwari o nasaan na ‘yung mga helicopter, nalipad na ba? Of course, they would say yes. Your question would suggest the answer.”

Ayon kay Duterte, ang mga relief goods at kawani ng pamahalaan ay naka pre-position na dalawa hanggang tatlong araw bago pa man mag-landfall ang bagyo.

“Hindi na kailangan akong mag-order at mag-order ka pa on the day, God… You were presuming that I should be giving orders on the day of the storm. That is stupid. That is why you cannot become a president really. Mahina ka eh. Wala ka nang ibigay order kasi ang order naibigay na two or three days. You do not give orders on the day of the war,” paliwanag ng pangulo.

Pinangaralan din ng pangulo si Robredo kung paano paghandaan ang kalamidad na tulad ng pagsabak umano sa digmaan.

“Lesson one for you, do not plan and give orders on the day of the battle. You just sit where you are. If you are a commander, do not go to the frontlines and have yourself shot and die. Magpapa-hero ka lang niyan,” giit ni Duterte.

Dagdag pa nito, “You are the Vice President of this country and you cannot pretend that you do not know what was happening sa gobyerno,” he said.

“There was no need for you to make a — make a very masamang biro na, ‘where were you?’ Kung sabihin ko tuloy sa iyo , what time did you go home? Ikaw noong gabi, anong oras ka umuwi? Isang bahay ka lang ba? Dalawang bahay ka?” patutsada ng pangulo.

Sa isang tweet, bumuwelta naman si Robredo at itinangging walang ginawa ang kanyang tanggapan noong kasagsagan ng bagyo.

Naging abala umano ang kanyang opisina sa repacking ng relief goods sa kanilang headquarters sa Quezon City.

LATEST

LATEST

TRENDING