Duterte, nagbantang babawasan ang pondo ng UP dahil umano sa pangre-recruit ng mga komunista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagbabanta ng ilang university students na magsasagawa sila ng “academic strike” simula Nobyembre 18 para iprotesta ang kapabayaan ng pamahalaan para tugunan ang Covid-19 pandemic at epekto ng mga nagdaang kalamidad.

“I suggest to you, stop schooling until all Filipinos are vaccinated. You resume your duty and you wait for another typhoon and see if the help that we extend is enough to your satisfaction,” giit ni Duterte sa lingguhang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases noong Martes.

Inakusahan naman ng pangulo ang University of the Philippines (UP) na nagre-recruit umano ng mga kabataan para sumapi sa mga grupong komunista. Nagbanta rin itong babawasan ang badyet ng unibersidad bunsod ng panawagan para sa academic strike.

“Maghinto kayo ng aral, I will stop the funding. Wala nang ginawa itong ano kundi mag-recruit ng mga komunista diyan,” sabi ni Duterte.

Binanatan ng pangulo ang mga estudyante ng UP kahit na ang panawagan para sa academic strike ay nagmula sa mga estudyante ng Ateneo de Manila University, na nagpoprotesta hinggil sa aksyon ng gobyerno sa pandemiya at typhoon response. Sumunod naman dito ang iba pang mga unibersidad.

Tinatayang nasa 500 estudyante ng Ateneo ang naglagda ng kasulatang ihihinto nila ang pagsusumite ng kahit anumang school requirements simula Nobyembre 18, 2020 hangga’t hindi tinutugunan ng pamahalaan ang panawagan ng taumbayan hinggil sa typhoon at pandemic response.

“You are taking the cudgels of the poor ahead of your time. That is not your worry, that is the worry of government,” tugon ng pangulo.

Samantala, tinaggihan naman ng Commission on Higher Education noong Martes ang panawagan para sa “academic break” bunsod ng mga nagdaang mga kalamidad at ipinauubaya ang desisyon sa mga paaralan.

LATEST

LATEST

TRENDING