Drilon, nanawagan para sa nagkakaisang liderato habang bumabangon ang bansa sa kalamidad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Duterte hits Drilon for defending Lopezes – The Manila Times
Senate Minority Leader Franklin Drilon

Kailangan umano ng Pilipinas ng isang nagkakaisang liderato sa panahon na bumabangon ang bansa mula sa pinsalang idinulot ng magkakasunod na kalamidad, pahayag ng isang mambabatas noong Huwebes.

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi siya “nagulat” sa mga huling naging birada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangalawang Pangulo Leni Robredo, subalit idiniing dapat nang isantabi ng dalawa ang hidwaan at magpokus sa halip sa isinasagawang relief operations para sa mga biktima ng bagyo.

Aniya, “I’m no longer surprised, I’ve been on the receiving end in the past.”

“We would like to appeal to everyone, the President and Vice President— at this time, let’s have a unified voice. Our people need undivided attention of the government. Politics can come later if we must say. But right now, given the extent of the damage, and the extent of the needs of our people… that is why there is a need for a united leadership at this point,” dagdag pa ng senador.

Naging laman ng balita ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa simula Martes, nang banatan ni Duterte si Robredo dahil umano sa pagkuwestyon sa kinaroroonan nito nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa ilang bahagi ng Luzon noong nakaraang linggo.

Sa mahigit 20 minutong pambabatikos, pinuna rin ni Duterte si Robredo hinggil sa paghawak nito sa typhoon response, at nagbitiw ng mga maling paratang na ang tanging ginawa lamang aniya ng pangalawang pangulo ay  magsagawa ng “calls” sa kanyang pagbisita sa mga hinagupit na lugar.

Samantala, sinabi naman ni Drilon na kinakailangang “ihabol ang budget” ng Senado dahil sa kahalagahan nito sa panahon ng pagbangon mula sa kalamidad at sa Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING