Drilon: Mas maraming calamity funds ang kailangan, hindi miyembro ng Gabinete

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Franklin Drilon (Senate of the Philippines / MANILA BULLETIN)
Senate Minority Leader Franklin Drilon

Muling binigyang diin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon noong Huwebes ang kanyang tindig tungkol sa panukalang paggawa ng mga bagong ahensya sa pamahalaan, at sinabing kinakailangan ng bansa ang mas maraming calamity funds at hindi ng mas maraming miyembro ng Gabinete.

Aniya, “What we need today is additional calamity funds, not additional Cabinet members, because once you form a department, you have to appoint a secretary, undersecretaries, assistant secretaries, directors.”

May pitong panukalang batas na nakabinbin sa Senado na ipinapanawagan ang pagtatayo ng mga ahensya para sa disaster resilience, overseas Filipino workers, tubig, fisheries and aquatic resources, sports, homeland security, at kultura.

Binanggit din ni Drilon na ang pasahod para sa mahigit milyong empleyado ng pamahalaan ay “kumakain” sa badyet.

“Our budget for salary is eating up everything. In the current year, P1.184 trillion in payroll, next year it will go up to P1.3 trillion. We must rationalize our bureaucracy,” paliwanag ni Drilon, habang binanggit na ang calamity fund ngayong taon ay asa P16 bilyon.

Sa ginanap na pagdinig sa Senado noong nakaraang linggo, sinabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nais muna niyang i-review at tanggalin ang mga doble-dobleng posisyon at opisina ng pamahalaan bago magpasa ng mga panukalang layong magtatag ng mga bagong departamento.

Samantala, sumang-ayon naman si Drilon para sa imbestigasyon tungkol sa malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon bunsod ng Bagyong Ulysses, kung saan lubos na mahalaga aniya ang mas maayos na koordinasyon sa mga concerned government agencies.

Aniya, “I am in favor of an inquiry so that we can have better coordination and maybe a better protocol can be crafted.”

LATEST