Robredo, hindi natinag sa pagbabanta ni Duterte hinggil sa 2022 elections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Ipinagkibit-balikat lamang ng Pangalawang Pangulo Leni Robredo ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na titiyakin niyang magiging “bangungot” ang pagdaraanan ng bise-presidente sakaling magbalak itong tumakbo bilang pangulo sa 2022.

“I think that’s very unpresidential. Pero karapatan naman niyang sabihin kung ano yung dapat niyang sabihin,” giit ni Robredo sa isang media interview sa Camarines Sur noong Miyerkules.

Dagdag pa nito, “Siguraduhin niya lang na tama iyong pinagbabasehan niya and in this case, mali siya.”

Naglaan si Duterte ng 20 minuto sa kanyang public address hinggil sa Covid-19 pandemic at kalamidad noong Martes para tuligsain ang mga ginagawa ni Robredo bunsod ng magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

Ayon sa maling paratang ng pangulo, wala umanong ginawa si Robredo kundi “tumawag” sa kanyang mga pagbisita sa mga sinalantang lugar dahil sa Bagyong Ulysses upang makapamahagi ng relief goods at kumustahin ang mga biktima.

Pinagsabihan din ni Duterte si Robredo na huwag “makipagpaligsahan” sa mga hakbang ng kanyang administrasyon dahil hindi pa umano oras ng pangalawang pangulo.

Binanggit ni Duterte na hindi magiging epektibong commander-in-chief si Robredo dahil umano sa kanyang paraan ng paghawak sa rescue at response efforts.

Nagbabala rin ang pangulo na marami siyang sasabihin tungkol sa Robredo sakaling magdesisyon itong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Aniya, “During the campaign, papaalis na ako, sige subukan mo. Matagal na akong maraming gusto sabihin sa iyo. Ireserba ko.”

“When you start your campaign kapag magtakbo ka ng president, waswasan kita ng husto. This is your nightmare,” dagdag pa ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING