Kamara, naghalal ng 3 bagong deputy speakers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Muling sumailalim ang Kamara sa panibagong bugso ng reshuffling sa ilang mga posisyon nito dahil sa pagkakahalal ng tatlong bagong deputy speakers noong Miyerkules ng gabi.

Sa ginanap ng plenary session, ibinoto ng mga kongresista si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez bilang deputy speaker upang palitan si Capiz Rep. Fredenil Castro.

Ibinoto naman si Buhay Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza bilang deputy speaker para humalili kay Laguna Rep. Dan Fernandez.

Samnatala, pinili naman si Las Piñas City Rep. Camille Villar bilang deputy speaker, para palitan si Batangas Rep. Raneo Abu.

Hinalal din ng Mababang Kapulungan sina Pampanga 2nd District Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo bilang chairman ng Committee on Energy; Caloocan City 1st District Rep. Dale “Along” Malapitan bilang pinuno ng House contingent to the House of Representatives Electoral Tribunal; at ACT-CIS Rep. Eric Go Yap bilang vice-chair ng Committee on Accounts.

Itinalaga rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang caretaker sa 1st District ng Cebu City bunsod ng pagpanaw ni Rep. Raul Del Mar.

Ang pagkakatalaga ni Velasco bilang caretaker ay “alinsunod sa kahilingan ng namayapang si Rep. Del Mar,” ayon sa pamilya nito at mga nasasakupan.

LATEST

LATEST

TRENDING