Duterte, sumang-ayon sa advance payments para sa potential suppliers ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na magbayad ng advance payments sa mga suppliers ng potential Covid-19 vaccines, pahayag ng Malacañang noong Huwebes.

“Papasok po tayo ng advance market commitments kasama ng private vaccine developers at pagbigay ng advance payments sa kanila,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing.

Ayon kay Roque, sumang-ayon si Duterte na magsagawa ng advance market commitments (AMCs) upang maiwasang maging isa sa mga huling bansang makakukuha ng pinag-aagawang bakuna. Unang humindi si Duterte na magbayad sa mga pharmaceutical companies para magpa-reserve ng vaccines.

“So medyo pumayag na po tayo na magkakaroon tayo ng advanced kasi pag hindi po tayo pumayag baka mangulelat tayo dun sa mga bansa na makakakuha ng vaccine,” dagdag pa ni Roque.

Nagbago umano ang isip ng pangulo tungkol sa advanced payments matapos nitong makita ang listahan ng mga bansang nagsagawa na ng AMCs.

Aniya, “Alam ko po nung una ayaw ni Presidente ‘yan, pero nung nakita po niya yung listahan ng mga bansang nag-a-advance payment, hindi naman tayo magpapahuli basta meron naman tayong pondo. Kung kinakailangan ibenta ang mga ari-arian ng gobyerno gagawin niya ‘yan pero dahil nga importanteng masiguro na meron po tayong bakuna, pumayag na po siya nung tinatawag na advanced payments.”

Inaprubahan din umano ng pangulo ang iba’t-ibang modes ng financing para sa mga bakuna kabilang ag private-public tripartite agreements nang walang gastos sa pamahalaan ay ang emergency use authorization na ilalabas ng Food and Drug Administration (FDA) sa pamamagitan ng proposed executive order.

Kapag inilabas na ng pangulo ang executive order, sinabi ni Roque na pabibilisin nito ang proseso ng pagpapahintulot sa paggamit ng vaccines na may FDA approval mula sa bansa kung saan dinivelop ang mga ito.

“Dati rati po, bago magamit ang isang bakuna rito na-approve na ng US FDA at Chinese FDA kinakailangan muna ng anim na buwan ng pagsusuri pero kung mapipirmahan itong executive order na ito aba’y 21 araw nalang po magagamit na rin natin sa Pilipinas,” giit ni Roque.

Sa isang taped message na inere noong Martes, binanggit ng pangulo na dapat makakuha ang pamahalaan ng “best bargain” para sa suplay ng Covid-19 sakaling dumating na ito.

LATEST

LATEST

TRENDING