Duterte, nais magpatayo ng ‘mas matitibay’ na evacuation centers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa pagdaan ng mga sunod-sunod na bagyo sa bansa, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes na nais niyang magtayo ng mga matitibay na evacuation centers sa buong bansa na puwedeng pansalamantalang tuluyan ng mga evacuees tuwing may kalamidad.

Sinabi ito ng pangulo ilang araw matapos manalasa ang Bagyong Ulysses sa bansa na nagdala ng mabibigat na pag-ulan at malalakas na paghangin, kung saan napilitan ang libu-libong mga Pilipino na magtungo sa bubungan ng kanilang mga tahanan upang makaiwas sa pagbaha.

“We build a structure stronger than a typhoon that would come their way para mapuntahan ng mga tao. Small rooms with many comfort rooms where people can really stay for a while,” ani Duterte.

Kadalasang nakikituloy ang mag evacuees sa mga paaralan o pasilidad ng pamahalaan tuwing may kalamidad.

Hiniling naman ng pangulo ang tulong ng Kongreso sa pamamagitan ng paglalaan ng badyet para sa paggawa ng mga nasabing evacuation centers.

Aniya, “‘Yun sana ang tugunan ng Congress kasi pagkaganitong deluge, they tend to go to places for shelter and relief.”

LATEST

LATEST

TRENDING