Duterte, isinailalim ang buong Luzon sa state of calamity

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ang buong isla ng Luzon, kung saan halos kalahati ng 108 milyong populasyon ng bansa ang naninirahan dito, sa state of calamity bunsod ng sunud-sunod na pagbagyo na nagdulot ng matinding pagbaha at ikinasawi ng dose-dosenang katao.

Sa ilalim ng state of calamity, mapahihintulutan ang mga lokal na opisyal na gamitin ang emergency funds at magpatuapd ng prize freeze para sa mga pangunahing bilihin.

“Last night I think I signed the proclamation,” sabi ni Duterte. 

Ginawa ng pangulo ang deklarasyon matapos itong lumipad patungong Cagayan Valley region, kung saan naging malubha ang pagbaha kaya’t napilitan ang mga residente na magtungo sa bubungan ng kani-kanilang mga tahanan upang makaiwas sa rumaragasang tubig.

Unang inirekomenda ng disaster council ang pagpapatupad ng state of calamity sa Luzon matapos ang paghagupit ng Bagyong Ulysses na ikinasawi ng hindi bababa sa 73 katao.

LATEST

LATEST