Duque, umapela kay Duterte na ipag-utos ang emergency use ng Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Health Secretary Francisco Duque III

Umapela si Health Secretary Francisco Duque III noong Martes kay Pangulong Rodrigo Duterte upang pahintulutan ang Philippine Food and Drug Administration na mag-isyu ng emergency use authorization o EUA para sa Covid-19 vaccines na papasok sa bansa.

Ang EUA ay magbibigay awtoridad sa FDA para i-facilitate ang availability ng medical countermeasures, tulad ng bakuna, sa tuwing may public health emergencies tulad ng Covid-19 pandemic.

“We are respectfully requesting that you consider the issuance of an executive order for the FDA to grant an emergency use authorization for the various vaccines that will enter the country and which applications are to be filed,” ani Duque kay Duterte sa lingguhang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Duque, pabibilisin umano ng EUA ang processing time para sa Covid-19 vaccines nang 21 days mula sa nakagawiang anim na buwan. Maari ring baguhin o ipawalang-bisa ang EUA depende sa public health situation.

Matutulungan din umano nito ang lokal na FDA upang suriin nang husto ang mga pharmaceutical companies na mag-a-pply para sa vaccine distribution sa bansa, na ginagabayan ng mga desisyon ng mga kaparehong regulatory agencies at pinagkakatiwalaang medical institutions sa ibang bansa.

Inendorso rin ni National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer Carlito Galvez ang pagbibigay ng EUA sa FDA sa ilalim ng isang executive order mula sa pangulo dahil pabibilisin nito ang distribusyon ng bakuna sa bansa.

“If we can move swiftly, we can be assured there will be 30-50 million doses for rollout next year,” wika ni Galvez.

Tiniyak naman ni Duterte na patuloy ang national government sa paghahanap ng lunas upang lutasin ang Covid-19 krisis sa bansa.

“We will look for a solution. Do not despair. Hopefully by the grace of the Lord, by December or January, there can be relief in sight,” diin ng pangulo.

LATEST