Villar at Cimatu, pangungunahan ang bagong typhoon-rehab task force: Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Pangungunahan ng mga kalihim ng Department of Envrionment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong task force na nilikha para sa typhoon rehabilitation, pahayag ng Malacañang noong Miyerkules.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pamumunuan nina DENR Secretary Roy Cimatu at DPWH Secretary Mark Villar ang bagong nilikhang task force, at hindi si Executive Secretary Salvador Medialdea na unang inanunsyong mamumuno nito.

Ang pagbabago aniya nito ay nakabatay sa agham, dahil ang rehabilitation at research umano ay ang eksaktong specialties ng mga nasabing ahensya.

Aniya, “Of course, not only is this based on science, but it also makes sense because when you talk of rehabilitation, you talk basically of roads and bridges, and buildings destroyed by calamity, which is the turf of the DPWH.”

“You also talk about the scientific reasons why we have typhoons of this nature, which is climate change, and that is the rationale for the DENR co-heading the task force,” dagdag pa ni Roque.

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng bagong inter-agency task force noong Sabado, alinsunod sa adhikaing pabilisin ang rehabilitasyon at pamamahagi ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ayon naman sa mga kritiko, dodoblehin lamang nito aniya ang tungkuling naka-mandato na sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Subalit, dinipensahan ni Roque ang kapasyahan ng pangulo dahil matutugunan umano nito ang mga isyu hinggil sa koordinasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING