Roque: Duterte, nais lamang pagaanin ang ‘mood’ nang makipagpalitan ng sex jokes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Gag orders: When Duterte's 'jokes' are no laughing matter
Pangulong Rodrigo Duterte

Nais lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagaanin ang “mood” nang makipagbiruan ito sa iba pang mga opisyal, sa isang ginanap na briefing, tungkol sa sex at pambabae, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Lunes.

Nagtungo ng Camarines Sur ang pangulo noong Linggo upang suriin ang naging epekto ng Bagyong Ulysses na nagpatumba ng mga poste ng kuryente sa lugar, nagpalubog sa mga kabahayan dahil sa baha, at nag-udyok sa mga residente na lumikas sa mga evacuation centers noong nakaraang linggo.

Aniya, “Hindi n’yo mapagkakait sa kaniya na dahil sunod-sunod ang nakikita niyang trahedya, kahit papaano, humanap ng dahilan para magkaroon ng kaunting break from mga kalamidad ang mga binibisita niya.”

“Let’s not read anything beyond the fact na the President, more or less, wants to lighten the mood dahil buong araw, wala siyang nakita kundi disaster doon po sa Cagayan, at doon po sa Naga,” dagdag pa ni Roque.

Sa ginanap na briefing, sinabi ni Duterte na kilala niya si Social Welfare Undersecretary for Bicol Affairs Marvel Clavecilla, na dumalo rin sa briefing, dahil sila ay magkaklase noon sa law school.

“Pero naubos ang panahon niya sa ano, medyo tumanda na. Nakakatanda talaga ‘yan. Sobrang babae, nakakatanda ‘yan,” ani Duterte.

Tugon ni Clavecilla: “Sabi nga po ni Cong. LRay [Villafuerte] undersex daw po ako, undersex. Kaya kung puwede–kung puwede po gawin mo na akong secretary para hindi na undersex.”

Nagtawanan naman ang mga opisyal matapos ang usapan ng dalawa.

Sa opisyal na transcript ng briefing, naka-quote si Clavecilla na nagsabing “undersecs” sa halip na “undersex.”

Kinalaunan ay pinag-usapan naman ni Duterte ang isang kaibigan na umano’y nasawi dahil sa Covid-19.

“P***** i**. Kulang sa babae kung ganoon,” tugon ni Clavecilla.

Samantala, sinabi naman ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo, na taga-Camarines Sur, na hindi niya narinig nang personal ang mga biro ni Duterte. Subalit, iginiit nitong kung “may seryosong pinagdaanan” ang bansa, dapat “ipahayag ng pamahalaan kung gaano ka ‘urgent’ ang isang bagay.”

Aniya, “Napakahalaga yung mensahe na we are giving utmost urgency on things that are really urgent.”

“‘Pag dinadaan kasi siya sa or ‘pag binibigyan ng atensyon yung ibang bagay, yung na-e-evoke natin, nako-communicate natin, mali; nako-communicate natin na hindi ito ganun ka-importante na seseryosohin natin,” dagdag pa ni Robredo.

LATEST

LATEST