Red Cross: Climate change, mas seryosong banta kumpara sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Yen Duong (International Federation of the Red Cross)

Dapat umanong tugunan ng mundo nang may kaparehong urgency sa Covid-19 ang climate change, pahayag ng Red Cross noong Martes, habang nagbabala itong mas malaking banta kumpara sa Covid-19 ang global warming.

Habang patuloy ang pananalasa ng pandemiya, patuloy din ang epekto ng climate change, ayon sa inilabas na ulat ng International Federation of Red Cross at Red Crescent societies (IFRC).

Sa nasabing report, binigyang diin na ang mundo ay tinamaan ng mahigit 100 kalamidad – na karamihan ay climate-related – simula nang ideklara ng World Health Organization ang Covid-19 pandemic noong Marso.

Mahigit 50 milyong katao aniya ang naapektuhan dahil dito.

“Of course, the COVID is there, it’s in front of us, it is affecting our families, our friends, our relatives,” giit ni IFRC Secretary-General Jagan Chapagain sa isang virtual press conference.

“It’s a very, very serious crisis the world is facing currently,” dagdag pa nito.

Gayunpaman, mas magiging seryoso umano ang pangmatagalang epekto sa buhay ng tao at sa planeta ng climate change.

Bagama’t paparating na aniya ang bakuna kontra Covid-19, wala umanong “bakuna kontra climate change sa kasamaang palad.”

Mangangailangan umano ng $50 bilyon bawat taon sa susunod na dekada para matulungan ang 50 developing na mga bansa para matugunan ang pagbabago ng klima.

LATEST

LATEST

TRENDING