Ilang evacuees, ite-test para sa Covid-19: Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ilang libong mga nagsilikas mula sa kani-kailang mga tahanan dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses ay ite-test para sa Covid-19, giit ng Malacañang noong Martes.

Gagamit umano ng antigen tests ang pamahalaan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Ang ganitong uri ng screening ay nag-a-analyze sa nasal at oral specimen, at maaaring makapaglabas ng resulta sa loob lamang ng 15 minuto, ayon naman kay testing czar Vince Dizon.

“Hindi ko po masisigurado na lahat sila’y mabibigyan. Pero magkakaroon po ng testing sa mga evacuation centers, lalong-lalo na po doon sa mga mayroong sintomas,” ani Roque.

Ang paglaganap ng Covid-19 sa evacuation centers ay isang “malakas na posibilidad,” unang sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III.

Hangga’t maaari, kinakailangang isang pamilya lamang ang mag-okupa sa bawat tent o kwarto. Dapat ding magsuot ng face masks, magpanatili ng 3-metrong distansya mula sa ibang tao, at madalas na maghugas ng kamay ang mga evacuees.

Ang mga indibidwal naman na may high risk na magkaroon ng severe Covid-19, tulad ng matatanda, buntis, at may mga seryosong karamdaman, ay dapat ihiwalay, diin ng kalihim.

Aniya, “It (Paglaganap ng Covid-19) is a possibility. It’s a very strong possibility.”

“That is why kinakailangang magmatyag ang atin pong mga safety officers na ipinapatalaga ng DOH sa mga local government units, iyong pagsunod sa minimum health standards sa mga evacuation centers,” dagdag pa ni Duque. 

Ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, as of 9 a.m. noong Martes, 70,784 pamilya o 283,656 katao ang nananatili sa 2,205 evacuation centers matapos ang paghagupit ng Bagyong Ulysses noong nakaraang linggo.

Umabot na rin sa 73 ang bilang ng mga nasasawi habang 19 naman ang nawawala dahil kay Ulysses.

LATEST

LATEST

TRENDING