Duterte, ipinag-utos ang pagtatayo ng ‘back-up’ gov’t center sa Tarlac sakaling may kalamidad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng isang ‘back-up’ disaster recovery center sa labas ng Metro Manila sakaling tamaan ulit ito ng kalamidad.

Ayon kay Duterte sa inilabas na Executive Order 119 noong Nobyembre 17, mayroong “urgent need to establish an integrated government center outside the NCR … to ensure continuity of government services as well as facilitate collaboration and coordination between and among government agencies.”

Binigyang diin ng pangulo na bulnerable ang Metro Manila sa pagbaha, pagtaas ng sea levels, at banta ng lindol na maaaring bunsod ng paggalaw ng West at East Valley faults.

Noong nakaraang linggo lamang, rumagasa ang malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Inutusan din ng pangulo ang lahat ng departamento at bureaus sa ilalim ng executive branch na maglagay ng satellite offices sa nasabing back-up center, na itatayo sa New Clark City sa Taclac. Hinikayat din nito ang mga miyembro ng lehislatibo at hudikatura, pari na rin ang independent constitutional bodies na sumunod sa hakbang.

Ang pondong gagamitin naman para sa pagpapatayo ng gusali ay kukunin mula sa pondo ng concerned agencies at kung kinakailangan, mula sa iba pang mapagkukunan na tutukuyin naman ng Department of Budget and Management, alinsunod sa batas.

Ang Bases Conversion and Development Authority ay inatasan upang tulungan ang pamahalaan sa pagtatayo ng field offices sa government center sa New Clark City.

LATEST

LATEST

TRENDING