State of calamity, nais ipadeklara para sa buong Luzon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: AFP

Inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Lunes na isailalim ang buong Luzon sa state of calamity matapos itong bayuhin ng magkakasunod na bagyo na nagdulot ng matinding pinsala.

Ang rekomendasyon na magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity ay inaprubahan ng council sa isang emergency meeting. Sa ilalim ng state of calamity, puwedeng gamitin ang calamity funds, kontrolin ang presyo ng mga pangunahing bilihin, mag-alok ng interest-free loans, atbp.

Sa ginanap ng virtual meeting ng NDRRMC, nagkasundo ang iba’t-ibang ahensya at ilang alkalde na gumawa ng isang technical working group sa joint prevention, mitigation, at preparedness clusters ng NDRRMC upang i-assess ang management ng mga dams sa bansa.

Ipinag-utos naman ni NDRRMC chairperson at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa PAGASA na i-review ang historical data nito upang mas mapaigting ang pag-iisyu ng warnings.

Kabilang din sa mga paksang tinalakay sa ginanap na meeting ay ang pagbibigay ng ayuda para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda; road clearing; shelter requirements; at iba pang recovery interventions.

Pitong weather disturbances ang tumama sa bansa simula noong gitna ng Oktubre:

– Tropical Depression Ofel (na nag-landfall sa Sorsogon, Masbate, Marinduque at Batangas noong Okt. 14)
– Tropical Storm Pepito (na nag-landfall sa Aurora noong Okt. 20)
– Typhoon Quinta (na nag-landfall sa Albay, Quezon, Marinduque at Or. Mindoro noong Okt. 25-26)
– Super Typhoon Rolly (na nag-landfall sa Catanduanes, Albay, Quezon, at Batangas on Nob. 1)
– Severe Tropical Storm Siony (na dumaan sa Batanas noong Nob. 6)
– Tropical Depression Tonyo (na nag-landfall sa Marinduque at Batangas noong Nob. 8)
– Typhoon Ulysses (na nag-landfall sa Quezon noong Nob. 11 at tumawid sa Luzon patungong West Philippine Sea noong Nob. 12)

Ang pananalasa ng Bagyong Ulysses ay ikinasawi ng 67 katao. 21 naman ang nasaktan at 13 ang nawawala, batay sa datos ng NDRRMC noong Nob. 16.

Umabot sa P2.1 bilyon ang pinsala sa agrikultura habang nasa P482 milyon naman ang naging pinsala sa imprasktraktura.

Mahigit 523,000 pamilya o 2 milyong indibidwal naman ang naapektuhan ni Ulysses, na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila.

LATEST

LATEST

TRENDING