Malacañang, tinanggihan ang pagpapatupad ng academic break

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Tinanggihan ng Malacañang noong Martes ang panawagan para sa pagpapatupad ng academic break habang patuloy na tinutugunan ng bansa ang laban kontra Covid-19 at epekto ng magkakasunod na dumaang mga bagyo.

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pangunahing pamamaraan ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan ay ang paggamit ng learning modules. 

Aniya, “Hindi po masyadong naapekto[han ito] dahil wala pong face-to-face classes sa lahat ng ating mga eskuwelahan.”

Para naman sa mga unibersidad, pinahintulutan ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapalawig ng semester nang isa hanggang dalawang linggo kung hindi nakapagklase dahil sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo, giit ni Roque.

“Hindi po papayagan itong academic break na hinihingi ng ilan,” paglilinaw ng tagapagsalita ng pangulo. 

Ibinaling naman ng CHED at Department of Education sa mga kolehiyo at unibersidad o local government units ang pagpapasya hinggil sa pagsususpinde ng klase.

LATEST

LATEST

TRENDING