Duterte at ibang opisyal, binatikos dahil sa palitan ng sex jokes sa typhoon briefing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Habang kasalukuyang bumabangon ang bansa mula sa epekto ng magkakasunod na bagyo, nakipagpalitan si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang opisyal ng pamahalaan ng sex jokes sa ginanap na briefing nitong weekend, bagay na inilarawan ng mga kritiko na “sexist,” “inappropriate” at “untimely” noong Lunes.

Bago tapusin ang isinagawang televised briefing noong Linggo kasama ang ilang miyembro ng Gabinete at lokal na opisyal ng Camarines Sur, biniro ni Duterte ang isang opisyal ng lalawigan, na dati nitong kaklase sa law school, tungkol sa karanasang sekswal nito.

Aniya, “Classmate ko ito sa law school. Brod ko pa, pero naubos ang panahon niya sa ano, tumanda na. Nakakatanda talaga iyan. Sobra babae, nakakatanda iyan.”

Tugon naman ng opisyal na hindi ipinakita ang mukha sa telebisyon: “Sabi nga po ni Congressman LRay [Villafuerte], ‘undersexed’ daw po ako,” 

“‘Undersexed,’ kaya kung pwede po gawin mo na akong Secretary para hindi na undersexed,” dagdag pa nito.

Nagtawanan naman ang mga opisyal sa nasabing briefing kabilang na sina Senador Christopher “Bong” Go, Health Secretary Francisco Duque III, Camarines Sur Rep. Villafuerte, atbp.

Sa inilabas na pahayag noong Lunes, binanatan naman ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pangulo dahil sa pagsasambit nito ng “inappropriate jokes” habang literal na nalulunod at namamatay ang mga tao dahil sa magkakasunod na kalamidad na tumama sa bansa.

“Instead of dropping sexist remarks, the governent should double time in providing emergency assistance,” ani Brosas.

Ayon naman kay Kabataan Rep. Sarah Elago sa isang tweet: “Women are not objects!”

Sa isang panayam sa telebisyon, binigyang diin din ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na habang kinakaharap ng bansa ang epekto ng kalamidad, mahalaga para sa mga opisyal ang magpaabot ng mensahe na binibigyang prayoridad ang mga bagay na dapat agarang tugunan.

Samantala, dinipensahan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pangulo. Sinabi nitong: “Let’s not read anything beyond the fact na the President wants to more or less lighten the mood dahil buong araw, wala siyang nakita kung hindi disaster doon po sa Cagayan at doon po sa Naga.”

“Hayaan na po natin, bigyan naman natin ng pagkakataon na magkaroon ng light moment iyong ating Presidente,” dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING