DILG, pagpapaliwanagin ang Tuguegarao mayor kung bakit wala ito noong binaha ang kanyang lungsod

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Philippine Air Force

Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maglalabas ito ng show cause order laban kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano upang pagpaliwanagin ito kung bakit ito umalis para ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa ibang lugar habang rumaragasa ang tubig baha sa kanyang lungsod.

“Yes, we will issue a show cause order,” ani DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya.

Dagdag pa ng opisyal, “The mayor is the father of his city and he cannot just leave his constituents in the middle of a disaster just to celebrate his birthday.”

Umalingawngaw ang isyu nang mahuli ng netizens ang anak ng alkalde na si Bea Dee na nag-share ng post na pumunta ang kanyang ama sa Metro Manila para lamang ipagdiwang ang kaarawan nito nang kasama siya. Binura kinalaunan ang nasabing post.

Kinumpirma rin ni Mayor Soriano na nag-out of town ito nang sumalubong ang baha sa kanyang lungsod noong Biyernes.

“There was no typhoon signal, so I asked the permission of the provincial government,” sabi ni Soriano noong Sabado.

Dagdag pa, “Umalis po ako dito last Sunday afternoon.”

Ipinaliwanag nitong nagtangka siyang bumalik ng Tuguegarao noong Biyernes ng gabi subalit hindi na naisakatuparan sapagkat isinara na ang North Luzon Expressway. Nakabalik lamang ito sa lungsod mula Metro Manila noong Sabado ng umaga.

“Under Oplan Listo, mayors are supposed to be on alert 48 hours before the landfall of a typhoon and even after the typhoon to conduct relief operations and to prepare for transition to recovery and rehabilitation,” paliwanag ni Malaya.

Dagdag pa ng opisyal, “Celebrating a party is not a justifiable reason for a mayor to leave his LGU in the face of a disaster.”

LATEST