Roque: Pamahaalan, nakipagkoordinasyon na para sa rescue ops sa Cagayan, maaga pa noong Sabado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Nakipag-ugnayan umano ang pamahalaan para i-rescue ang mga residente ng Cagayan maaga pa noong Sabado, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Linggo.

Unang binanatan ng mga kritiko ang pamahalaan dahil sa hindi umano sapat ang pagbibigay babala nito sa publiko kasabay ng magkakasunod na delubyo sa bansa.

Subalit, idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado na “walang kapagurang” nagtatrabaho ang pamahalaan.

“Immediately after nung lumabas nga yung balita na may baha, as early as 4 in the morning eh nagko-coordinate na kami dun sa actions taken,” ani Roque.

Dagdag pa ni Roque, “Among the actions taken, meron po talaga naka-pre-position na rito na air assets tsaka rubber boats. As early as 4 a.m. it was reported to us by NDRRMC [National Disaster Risk Reduction and Management Council] na nag-deploy pa ng additional air assets and additional rubber boats.”

Si Vice President Leni Robredo, na dumating sa lalawigan ilang oras bago nakarating si Duterte at ang kanyang Gabinete, ay isa sa mga pinakaunang nakipag-ccordinate ng assistance para sa mga na-stranded na mga residente noong Biyernes at Sabado.

Sinabi naman ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na ang mga nais magpaabot ng tulong sa lalawigan ay hindi na kailangang sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Aniya, “Wala na ho ang quarantine pero we do our testing, the antigen test or the PCR test if that’s possible also. Merong fake news kasi na lumalabas na ika-quarantine lahat ng papasok dito pati media. That never happened po. Lalong lalo na ngayon, as you can see ang dami nating media personalities dito.”

Hinikayat naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga magdo-donate na padaanin ang kanilang mga tulong at donasyon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

“In that manner, di mao-overwhelm ang facilities ng probinsiya,” sabi ni Lorenzana.

LATEST

LATEST

TRENDING