Dose-dosena, nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Nagsawa ng search and rescue operations ang mga pulis at sundalo sa bansa noong Biyernes matapos hagupitin ng Bagyong Ulysses ang ilang bahagi ng Luzon.

Ang bagyo ay ikinasawi ng 39 katao at nagdulot din ito ng isa sa mga pinakamalubhang pagbaha sa Metro Manila at karatig-lalawigan sa mga nagdaang taon.

Nahanap ng retrieval operations ang 39 bangkay habang patuloy ang paghahanap sa 22 kataong nawawala, giit ni AFP chief Gilbert Gapay.

Dumagdag sa hamon ang magkakasunod na bagyo – 8 sa nakalipas na 2 buwan – para sa kasalukuyang laban ng pamahalaan kontra Covid-19 at resesyon sa ekonomiya.

Kabilang sa mga nasawi ang 2 lalaking nalunod at isang batang namatay dahil sa landslide sa lalawigan ng Camarines. Tatlong katao naman ang nasawi nang gumuho ang isang warehouse sa Cavite.

Ang bilang ng casualties ay iva-ivalidate pa ng mga lokal na opisyal at ng disaster agency, na kasalukuyan ay nakapagtala ng 14 deaths at 3 msising.

Libu-libong kabahayan ang nalubog sa tubig, habang unti-unting humuhupa ang baha sa ilang bahagi ng Marikina City, isa sa pinakamalubhang napinsala ni Ulysses, upang makapagsimula na ang mga residente na linisin ang debris at putik na bumalot sa kani-kanilang mga tahanan.

Maraming residente ang napilitang magtungo sa bubong ng kanilang mga kabahayan at ilan sa kanila at bahagi ng tinatayang 6,000 kataong na-rescue ng mga awtoridad.

Nililinis naman ng mga ahensya ang landslides at debris sa mga apektadong lugar, pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Tinatayang 500,000 kabahayan sa loob at labas ng National Capital Region ang nawalan ng kuryente. Sinuspinde rin ang online classes at trabaho sa gobyerno sa ilang bahagi ng Luzon.

LATEST