Cagayan governor, iginiit na sapat ang naging preparasyon para sa matinding pagbaha sa lalawigan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Cagayan Public Information Office

Naging sapat aniya ang babala, subalit malaki pa rin ang dami ng tubig na pumasok sa lalawigan ng Cagayan, na nagdulot ng matinding pagbaha sa lugar sa mahigit apat na dekada, giit ni Cagayan Gov. Manuel Mamba noong Sabado.

Bagama’t desperadong umaapela ng tulong ang mga residenteng na-trap sa bubungan ng kani-kanilang mga tahanan dahil sa baha, idiniin ni Mamba na pinaghandaan ng provincial government ang mga pagbaha sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala at pagsasagawa ng preemptive evacuations.

Aniya, “Nakapaghanda po kami, no question about that. We anticipated this, we had preemptive evacuation, we had forced evacuation. We anticipated this but we did not anticipate how enormous ‘yung tubig na darating.”

Ayon sa gobernador, ang huling malubhang lebel ng pagbaha sa lalawigan ay naitala noon pang 1975.

“Ngayon lang naman naulit ito,” ani Mamba.

Dagdag pa nito, “That’s why many were surprised, but really we prepared for this but this is worse than we prepared for.”

Iba-ibang factors umano ang nagdulot ng mapaminsalang pagbaha, na ikinalubog ng 24 mula sa 24 munisipalidad at isang siyudad batay sa datos noong Sabado. 9 katao na rin ang nasawi.

Rumagasa umano ang tubig mula sa mga karatig-lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Kalinga at Isabela sa Cagayan sa paghagupit ni Ulysses, habang “saturated” na ang lupain sa lalawigan dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Napuno na rin aniya ng silt ang Cagayan river. Wala rin umanong isinagawang dredging  sa ilog hanggang sa kamakailan.

“Kung makita nyo po ang aming Cagayan River, this is not the Cagayan River noon; iba na po ang Cagayan River ngayon — silted na po, wala na pong madaanan ang tubig,” unang sinabi ni Mamba.

Mas pinalala pa ang sitwasyon nang magpakawala ng tubig ang Magat Dam, na nangyayari na umano sa loob ng tatlong araw. Subalit, sapat umano ang naging babala dahil ito na aniya ang usual protocol.

“SOP naman po ‘yung pagpapakawala, agad-agad nagbibigay ng kuwan… sabi ko nga saturated talaga ang soil at grabe po ‘yung buhos ng ulan. Sabay po ito , at of course ‘yung pagpapalabas ng Magat, dati rati ganyan naman ‘yan nagpapakawala,” pagbibigay diin ng gobernador.

“Susubukang paiimbestigahan” umano nila ang pangyayari kasabay pagdiin na nagkaroon ng sapat na babala.

Ayon kay Mamba, ang nagyaring kalamidad sa kanyang lalawigan ay resulta rin ng pag-abuso sa kalikasan sa paglipas ng taon. Ito ay dahil umano sa hindi makontrol na “illegal logging kahit mayroon nang total log ban.”

Aniya, “Through the years napabayaan po ito and I think we have to have a holistic approach to do this, mahirap naman po ako na magturo ako kung saan because I think it’s a summation of what is happening in our environment.”

“Sa akin po I think that all the sacrifices and suffering should serve as a lesson to all of us here and it should also open the eyess of the national government,” dagdag pa ni Mamba.

Asahan umano ang mas matinding pagbaha sa mga paparating na taon kung hindi matututo ang mga residente mula sa mapait na karanasan sa kasalukuyan.

“It’s just the start of the worst that will have to come, kaya dapat ho siguro matuto tayo sa mga nagnayayri sa atin ngayon,” sabi ni Mamba.

Dagdag pa nito, “I know this will serve us a lesson for all of us and let us not forget ito ho lalala ito every year.”

LATEST

LATEST