‘We were working’: PRRD, sinagot ang mga nagtatanong kung #NasaanAngPangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado na walang humpay ang pamahalaan sa pagtatrabaho matapos tumama ang magkakasunod na mga bagyo sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon sa mga nagdaang linggo, kasabay ang kritisimong hindi sapat ang ginagawa nito para abisuhan ang bansa bago tumama ang kalamidad.

Sa isang televised address noong Sabado ng gabi, iginiit ng pangulo na pinagbawalan siyang lumabas sa publiko para tumulong sa mga residenteng tinamaan ng bagyo.

Aniya, “Sa mga naghahanap kung nasaan kami, patawarin sana kayo ng Diyos. We were working, we were here, there was a summit going on while the typhoon was passing by. Sabi ko pagdating ng typhoon take off tayo.”

Ang nasabing televised address ay ginanap matapos ang mapaminsalang pagbaha na nagpalubog sa ilang bahagi ng Cagayan, kung saan ilang mga residente ang nagtungo sa mga bubong ng kanilang tahanan simula Biyernes dahil sa Bagyong Ulysses.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes na hindi dapat tanungin ng publiko ang kinaroroonan ng pangulo sapagkat palagi umano nitong mino-monitor ang mga pangyayari.

“Gusto ko man lumabas ng typhoon ano man ang magawa ko? The winds were howling, there was flooding, there was nobody as yet on the ground doing whatever cleaning, helping people,” giit ni Duterte.

Idiniin ni Duterte na isa pa rin siyang “worker of the government” at ng buong bansa.

Unang sinabi ni Roque na nasa Davao City ang pangulo nang tumama ang Bagyong Rolly, ang pinakamalakas na bagyong tumama ngayong taon, sa ilang bahagi ng Luzon. Hindi sumipot ang pangulo sa ginanap na televised Cabinet briefing kaugnay ng pananalasa ni Rolly.

Dahil dito, naging trending sa social media ang hashtag #NasaanAngPangulo.

Umabot na sa 33 ang mga binawian ng buhay dahil kay Ulysses, batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. 20 namang iba pa ang nawawala.

LATEST

LATEST

TRENDING