PRRD, nangakong ‘ibabalik ang normal’ na pamumuhay sa Cagayan sa lalong madaling panahon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo na magpapatuloy ang pamahalaan sa pamamahagi ng pagkain at tubig para sa mga residente ng Cagayan, bunsod ng matinding pagbaha habang iminungkahi naman ng iba pang miyembro ng Gabinete ang pagsasagawa ng tree planting at dredging sa lugar.

Ang pananalasa ng Bagyong Ulysses, ang ika-21 na bagyong tumama sa bansa ngayong taon, ay ikinasawi ng hindi bababa sa 67 katao. 9 dito ang nagmula sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Duterte, “gagawin ng pamahalaan ang upang maibalik ang normal na sitwasyon” sa lalong madaling panahon. Unang sinabi rin ng pangulo na ipinag-utos nito ang paglikha ng isang  bagong inter-agency task force na layong pabilisin ang response at rehabilitation efforts ng pamahalaan dahil sa Bagyong Ulysses.

Aniya, “Ang atin ngayong gawin, we will do everything to return to normalcy. In the meantime, ang problema talaga sa sunog o baha is clean water, potable water. Kung wala, we will send them to you, even if we have to travel overnight. Ang una actually is food, yun ang pag-aralan ko, ng local officials.”

Binanggit ng pangulo na ramdam ng bansa ang epekto ng climate change bagama’t “konti lamang ang mga tumatakbong pabrika rito.”

“Ang problema ko talaga ngayon, whether we accept it or not, itong climate change…Tayong Philippines, we only have a few factories running here. We do not have that kind of…we spewed a little but not that much and pag yung bumagsak na, talagang babagsak. It does not only rain cats and dogs,” giit ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Itong ulan na ganito o bagyo either with winds or just water pouring from the heavens, we always talk about illegal logging and mining, but actually nothing has been done about it.”

Inutusan din ng pangulo si Environment Secretary Roy Cimatu na suriin ang posibilidad sa pagpapatigil ng illegal mining sa lugar.

Aniya, “If the possibility is not there for them to stop, at least Cimatu should devise a way so they can place mga bahay nila above the rolling stones.”

Hinikayat naman ng pangulo si Cagayan Governor Manuel Mamba na kumbinsihin ang mga residente na “lumipat sa lugar na hindi madalas bahain.”

Ayon naman kay Housing Secretary Eduardo del Rosario, hindi pa nasusuri ng ahensya ang lawak ng pinsala sa lugar sapagkat nananatiling lubog ang mga kabahayan dahil sa baha.

“That’s the only way we can erase agony every time there is a typhoon over here,” sabi ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “We have prepared for it. May pera yan sila lahat ng departamento.”

Samantala, binanggit ni Cimatu, habang sumasangguni sa isang pag-aaral ng JICA, na maaaring pagbutihin ng pamahalaan ang volume ng tubig na maaaring hawakan ng Cagayan River sa pamamagitaan ng pagpapaluwag ng “bottleneck” sa Magapit Bridge.

Sinabi rin ng kalihim na inaprubahan niya ang isang 30-kilometer dredging project mula sa “mouth of (Cagayan) river to upstream.”

“Whether we like it or not, the flooding will again come. ‘Yan ang nakikita kong engineering intervention we can do,” wika ni Cimatu.

Makikipagkoordinasyon din umano ang ahensya sa Interior department sa paghikayat sa mga mamamayan na magtanim ng puno sa lowland areas.

“We are 110 million Filipinos. If we can plant for every 6 months, that’s 200 million a year,” sabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año.

Ayon naman kay Transportation Secretary Arthur Tugade, na nagmula sa Claveria, Cagayan, isa umano sa kanyang mga empleyado ang nagrekomenda na i-require ang transport operators na magtanim ng puno sa bawat panahong binibigyan sila ng prangkisa.

Sinabi naman ni Agriculture Secretary William Dar na dapat paghaluin ang fruit trees sa forest trees tuwing magtatanim.

Aniya, “‘Wag lang lahat kahoy kasi mas aaalagan po ng mamamayan kung mixture of forest trees and fruit trees.”

Simula nang manalasa ang Bagyong Quinta noong Oktubre, umabot umano sa P2 bilyon ang lawak ng pinsalang idinulot nito sa Department of Agriculture (DA).

Nakatakdang mamahagi ang ahensya ng tinatayang nasa P846 milyong ayuda sa Cagayan, P986 milyon sa Isabela dahil kay Quinta at Rolly, P148 milyon sa Nueva Vizcaya, at P96 milyon sa Quirino, paglilinaw ni Dar.

Nabanggit naman ni Tugade na magbibigay sila ni Labor Secretary Silvestre Bello ng fiber glass boats na maaaring gamitin sa pangingisda at rescue operations.

Nakatakda namang bumisita si Duterte sa Legazpi City sa Albay, na isa sa mga pinakanapinsalang lugar ng Bagyong Rolly.

Ayon sa pangulo, magsasagawa sila ng kanyang staff ng courtesy call kay Vice President Leni Robredo habang nasa Legazpi City.

LATEST

LATEST

TRENDING