LGUs na sinalanta ni ‘Ulysses’, maaaring paluwagin ang quarantine protocols: Año

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Interior Secretary Eduardo Año
Screengrab mula sa: PTV

Binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na malubhang napinsala ng Bagyong Ulysses ng go-signal para paluwagin ang quarantine protocols upang mas mapabilis ang pagpasok ng relief at rescue groups.

“Last week, I sent a memo to all LGUs in calamity areas and severely hit areas that health protocol restrictions can be lifted provided they coordinate with the (regional inter-agency task force) so they would know anong grupo ang darating, rescue at relief groups,” paliwanag ni Interior Secretary Eduardo Año noong Sabado.

Dagdag pa ng kalihim, “We will lift restrictions if it is for rescue and relief para mas mabilis ang actions natin.”

Kasalukuyang lubog sa baha ang lalawigan ng Cagayan, kung saan aabot sa 15 feet ang lebel ng tubig.

Ayon sa mga netizens na nakatira sa lalawigan, desperado umano silang humingi ng tulong mula sa pamahalaan simula Biyernes ng gabi.

Nanawagan din ang mag ito sa media na i-report ang sitwasyon sa lugar at tumulong sa paghahatid ng relief goods.

Subalit, ilang LGUs ang nag-require sa mga bisita—kabilang ang relief groups at media— na sumailalim sa mandatory 14-day quarantine bago makapasok ng Cagayan.

Ayon kay Año, ang pagpapaluwag ng quarantine protocols ay puwede ring sumaklaw sa media.

Aniya, “We can extend that to the media basta ang mission is to cover.”

“But, of course, ang minimum health standards dapat ino-observe pa rin,” diin ng kalihim.

LATEST

LATEST

TRENDING