Ilang brgy. sa Enrile, Cagayan, ‘underwater’ dahil sa matinding pagbaha – alkalde

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: One Enrile News and Events Facebook page

Malubhang tinamaan ng matinding pagbaha ang bayan ng Enrile sa lalawigan ng Cagayan bunsod ng malakas na pag-ulang hatid ng hanging amihan at ng Bagyong Ulysses, pahayag ng isang lokal na opisyal noong Biyernes.

Ayon kay Enrile Mayor Jun Decena, 16 barangays ang kasalukuyang “underwater” at 7,652 pamilya o 32,659 residente ang apektado ng baha.

Sinabi ng alkalde na 60 percent ng mga kabahayan ang apektado ng baha at mahigit 250,000 katao ang kiankailangang ma-rescue sa ngayon.

Aniya, “Ang taas ng tubig dito sa mga kabahayan ay 6 meters. Six meters ‘yung pinakamalalim, 3 meters ‘yung pinakamababaw.”

Pansamantalang ipinahinto ang evacuation operations noong gabi dahil sa pagkawala ng kuryente, dagdag pa ni Decena.

Hinikayat naman ng alkalde ang publiko na magpadala ng relief goods, tulad ng tubig at pagkain, sa Enrile.

“Lahat po ng tulong, wine-welcome ko po sa ating bayan. Itong bayan ko ang pinaka-devastated sa area, kasi kami ang catchbasin,” diin ng alkalde.

LATEST

LATEST