Cagayan province, naging ‘Pacific Ocean’: opisyal ng PDRRMO

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Regielyn G. Abbariao (Cagayan Provincial Information Office)

Tila naging malawak na karagatan ang lalawigan ng Cagayan matapos itong malubog sa baha dahil sa matinding pag-ulang hatid ng Bagyong Ulysses at hanging amihan, pahaag ng isang disaster management official noong Biyernes.

“Ang Cagayan ngayon ay parang Pacific Ocean. Lahat ng mga munisipyo na tabi ng Cagayan River, ay baha ngayon. Grabe ang baha ngayon sa Cagayan, na-surpass niya ‘yung previous na baha nung 2019,” giit ni Col. Ascio Macalan ng Cagayan Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ang tubig sa Cagayan River at Buntun Bridge sa Tuguegarao City ay umabot sa 13 meters, ayon sa provincial government.

Noong 2019, binayo ng Bagyong Quiel ang lalawigan, kung saan ikinasawi ito ng tatlong katao at libu-libong residente ang apektado.

Ayon kay Macalan, ang naranasang kalamidad kamakailan ay mas malala sapagkat mahigit 13,000 pamilya o 47,000 residente sa Cagayan ang malubhang naapektuhan ng mga pagbahang hatid ng Bgyong Ulysses at ng hanging amihan.

“Ang sitwasyon namin dito ngayon ay kakaiba sa nangyari sa nakaraan ng taon,” diin ni Macalan.

Idinagdag ni Macalan na libu-libong mga residente sa lalawigan ang kinakailangang ma-rescue, kung kaya’t mas maraming bangka at iba pang floating assets ang kinakailangan para sa rescue operations.

LATEST

LATEST

TRENDING