Unang utos ni PRRD kay Sinas, ipagpatuloy ang kampanya vs. iligal na droga

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
NCRPO installs biometrics to monitor tardy cops | Philippine News Agency
PNP Chief Maj. Gen. Debold Sinas

Ang unang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Philippine National Police (PNP) Chief Maj. Gen. Debold Sinas ay ang paigtingin ang kampanya kontra iligal na droga, ayon kay Sinas noong Miyerkules.

Aniya, “Ang pinakauna niya po talagang instruction ay ipagpatuloy, paigtingin at lakasan ang kampanya laban sa ilegal na droga.”

“At dapat talagang gawin namin iyong tungkulin namin para mabawasan o mahinto ang pagkalat ng mga ilegal na droga sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Pinapaigting niya lalo na iyong high-value targets,” dagdag pa ni Sinas.

Sinabi kamakailan ng pangulo na dalawa mula sa 100 Pilipino ang adik sa iligal na droga.

Umani naman ng pambabatikos sa social media ang pagkakatalaga kay Sinas, kung saan pinaalalahanan ng mga netizens ang ginawa nito, at ng iba pang mga pulis, na paglabag sa quarantine protocols nang magdaos ito ng “mañanita” o birthday celebration noong Mayo habang naka-lockdown pa ang buong Luzon.

Si Sinas ang pinakahuling kumander na naluklok sa pinakamataas sa pwesto sa ilalim ni Duterte, kung saan libu-libong mahihirap ang pinatay bunsod ng kontrobersyal na kampanya kontra droga.

Inakusahan ng mga grupong pangkarapatan ang mga pulis dahil sa tahasang pagpatay sa mga drug suspek. Ayon naman sa PNP, ang mga napapatay sa operasyon ay mga lehitimong targets na nanlaban.

“What lies ahead for the Filipino people with Sinas’ appointment is a bloody party of human rights violations,” ani Cristina Palabay ng grupong Karapatan.

Dagdag pa nito, “This fascist regime is gearing up for an intensified crackdown on dissent and assault on human rights.”

Samantala, sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque na pinahahalagahan ng pangulo ang track record ni Sinas at ang kanyang “malaking” kontribusyon sa drug war. Nang tanungin naman tungkol sa “suitability” ni Sinas sa puwesto, sinabi lamang ni Roque na hindi ipinaliliwanag ng pangulo ang kanyang mga appointments.

Ayon naman sa isang ulat ng United Nations noong Hunyo, libu-libong katao ang posibleng pinatay dahil sa drug war na may “near impunity” at karahasan mula sa pulis. Tinanggihan naman ito ng pamahalaan at iginiit na wala itong basehan.

Wika naman ni Carlos Conde, Pilipinong researcher para sa Human Rights Watch, talamak ang drug killings sa central region kung saan hindi maganda ang appointment ni Sinas para sa human rights.

Aniya, “He seems very loyal to Duterte and it looks like he’s going to do what Duterte would ask him to do.”

LATEST