PRRD, aprubado na ang draft ng bagong water concession agreements

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iprenesentang bagong kasunduan ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water, pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Miyerkules.

Aniya, “Last night, the President approved in principle the broad recommendations of the review panel for the removal of onerous provisions in the water concession contracts and the inclusion of new provisions that will improve the governance mechanism, foster transparency and equitability in rate setting, and reduce the government’s contingent liability.”

Ayon sa DOJ, handa na ito upang “agarang umpisahan ang negosasyon” sa Maynilad at Manila Water.

Noong Disyembre 2019, inatasan ni Duterte ang Department of Justice at Office of the Solicitor General na magbalangkas ng bagong concession agreements na “mainam” para sa pamahalaan at sa mga consumers.

Ang kasalukuyang concession deals, na pinirmahan noong 1997, ay nakatakdang magwakas sa 2022 matapos hindi sang-ayunan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang contract extensions ng dalawang kumpanya hanggang 2037, alinsunod sa utos ng pangulo.

Ang Maynilad at Manila Water ay naging buntungan ng pambabatikos mula kay Duterte matapos dumulog ang dalawang kumpanya sa international arbiter para singilin ang pamahalaan ng mahigit ₱10 bilyon para sa maka-rekober mula sa pagkalugi nito bunsod ng rejected water rate hikes noong 2015.

Subalit, iginiit ng dalawang kumpanya na hindi na nila ipagpapatuloy ang paniningil sa pamahalaan bunsod ng pagkapanalo sa arbitral tribunal, matapos magbanta ang pangulo na kakasuhan ang mga ito.

Sa pag-uumpisa ng taon, ipinahayag ng pangulo ang kanyang pagnanais na resolbahin ang hidwaan sa Maynilad at Manila Water. Makalipas ang dalawang buwan, humingi ito ng tawad sa dalawang kumpanya.

LATEST

LATEST

TRENDING