Panukala sa Senado, layong i-extend ang Bayanihan 2 hanggang Marso 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate President Pro Tempore Ralph Recto
Kuha ni: John Jerome Ganzon (Manila Bulletin)

Inihain ang isang Senate bill na layong palawigin ang paggastos ng pondo ng Covid-19 response hanggang sa first quarter ng 2021.

Ang inilaan na ₱140-bilyong budget sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ay itinakdang gagastusin hanggang Disyembre 19, habang ang ₱25-bilyong standby fund naman nito ay magtatagal hanggang Disyembre 31.

Subalit, ipinanukala ng Senate Bill 1909 ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na i-extend ang mga deadlines sa Marso 27, 2021.

Ang Bayanihan 2 ay magtatapos sa Disyembre 19 kasabay nang pag-adjourn ng Kongreso.

Sa explanatory note ng bill, sinabi ni Recto na ₱76 bilyon mula sa regular appropriation ang nailabas sa mga implementing agencies noong Oktubre 29.

Ang mga hindi nagalaw na pondo sa pagtatapos ng taon ay ibabalik naman sa general fund.

Aniya, “The government needs to extend the validity of appropriations and allotments for Bayanihan II in order to continue the forward momentum of our battle against the COVID-19 pandemic and avert the collapse of the economy.”

LATEST

LATEST

TRENDING