Malacañang: Tulong, paparating na sa Cagayan at CAR na napinsala ng pagbaha

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Philippine Coast Guard

Paparating na aniya ang tulong para sa mga biktima ng matinding pagbaha sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, ayon sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang desperadong panawagan ng tulong para sa mga binahang lugar.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinagpapatuloy nila ang rescue operations sa mga apektadong lugar at nagtatrabaho umano sila “round the clock” para ma-rescue ang mga indibidwal sa iba’t-ibang barangay at munisipalidad sa Cagayan at Isabela.

“As early as dawn yesterday, the Department of Transportation through the Philippine Coast Guard, has been working round-the-clock with the rescue of 15 individuals in Modelro, Sitio Pantalan, and Pantabangan in Tumauini, Isabela; 50 individuals in Barangay 12, Tugueguerao City, 47 individuals in Pengue Ruyu, Tugueguerao City, 13 individuals in Caritan Norte, Diversion Road, and Anufuan West, Tugueguerao City; and 70 individuals in Linao East, Tugueguerao City,” pahayag ni Roque noong Sabado.

Naka-monitor din umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon. Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Cagayan at nakapagtala na ito ng 9 deaths.

3:30 a.m. pa lang noong Sabado, nagpadala na ang pamahalaan ng air, water at land transportation units para saklolohan ang mag operasyon sa apektadong lugar, dagdag pa ni Roque.

Papunta na rin ang mga convoys na naglalaman ng drums ng langis para sa mga helicopters at iba pang sasakyan para makatulong sa rescue operations.

Dalawang trak ang nagdadala ng fuel supplies para sa dalawang helicopter ng Philippine Coast Guard para gamitin sa aerial rescue. Ang dalawang Coast Guard Aviation Force helicopters ay papunta na sa Cagayan at Isabela, wika ni Roque.

Samantala, nasa area na umano ang isang PCG islander plane is, habang may mga rubber boats mula sa coast guard station sa Ilocos Norte ang papunta na sa Tuguegarao City.

Nagbibigay din ang Department of Social Welfare and Development ng relief assistance para sa mga apektadong residente, dagdag pa ni Roque.

Sa isang public press briefing noong Sabado, sinabi ni Roque na “on top of the situation” si Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t dumadalo ito sa ASEAN virtual summit.

“The president is on top of the situation, he is in constant communication with [Defense] Secretary Delfin Lorenzana and Usec Jalad (Undersecretary Ricardo Jalad) of NDRRMC at may koordinasyon din pagdating sa DSWD,” paglilinaw ni Roque.

Umalingawngaw ang social media noong Biyernes ng gabi habang napuno ito ng apela sa pamahalaan para tulungan ang lalawigan ng Cagayan at buong Cagayan Valley, na nakaranas ng matinding pagbaha bunsod ng Bagyong Ulysses.

Dahil sa pag-ulang hatid ng bagyo at monsoon, napilitan ang Magat Dam na maglabas ng sobrang tubig nang maabot nito ang critical level, kung saan itinuro ito ni Cagayan Gov. Manuel Mamba bilang sanhi ng “pagpapalala” ng pagbaha sa lalawigan.

LATEST

LATEST

TRENDING