DSWD, nakakuha ng karagdagang ₱600-M para sa typhoon response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangilinan urges gov't: Top up DSWD emergency fund for Bicol, Calabarzon
Kuha ni: KD Madrilejos (Rappler)

Nailabas na ang quick response funds na nagkakalahalaga ng ₱600 milyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa relief operations ng typhoon victims, giit ni isang opisyal noong Biyernes.

Sinabi ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje na ang perang inilabas ng Department of Budget and Management ay ilalaan para sa mga lugar na malubhang napinsala ng Bagyong Rolly at Ulysses.

Ito ay bukod pa aniya sa ₱1.4 bilyong standby funds ng ahensya, kung saan ₱888 milyon dito ang nasa central at field offices na. Mahigit 278,000 food packs na rin ang nakahandang ipamigay sa iba’t-ibang apektadong lugar.

“Mayroon pang kaukulang mga stocks pa para punan ang pangangailangan ng mga LGU,” wika ni Paje.

Ipinaliwanag ng undersecretary na nahihirapan ang mga teams na maabot ang ilang lugar dahil sa hindi madaanan ang ilang kalsada bunsod ng mga nagdaang bagyo.

Aniya, “Ang nakaka hadlang nalang talaga ay ‘yong mga nasirang daan, mga saradong daan, at ‘yong ibang lubog pa sa baha.”

Ayon kay Paje, nagpaabot na rin sila ng financial assistance at psychosocial first aid sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa mga bagyo.

Nag-iwan naman ang Bagyong Ulysses (international name: Vamco) ng mahigit ₱4.3 bilyong pagkasira sa imprastraktura at agrikultura, ayon sa mga opisyal noong Biyernes.

LATEST

LATEST

TRENDING