DOH, nanawagan para sa safety monitoring ng Covid-19 sa evac centers dahil sa pangamba ng hawaan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PIO Muntinlupa

Nanawagan ang Department of Health (DOH) noong Biyernes para sa safety monitoring sa mga evacuation centers, habang nagbabala rin ang ahensya na ang pagkalat ng coronavirus ay isang “very strong possibility,” bunsod ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ang mga evacuation centers ay dapat magkaroon ng safety officers na nakaalterto para sa sintomas ng Covid-19 sa mga evacuees, giit ni Health Secretary Francisco Duque III.

Hangga’t maaari, isang pamilya lamang dapat ang manatili sa bawat tent o kuwarto. Dapat din umanong magsuot ng face masks, magpanatili ng 3-metrong distansya mula sa ibang tao, at siguraduhin ang paghuhugas ng kamay.

Ang mga indibidwal naman na may mataas na risk na magkaroon ng malalang Covid-19 tulad ng matatanda, buntis, at may iba pang iniindang sakit, ay dapat ilagay sa hiwalay na kwarto, dagdag pa ni Duque.

Aniya, “It (COVID-19 spread) is a possibility. It’s a very strong possibility.”

“That is why kinakailangang magmatyag ang atin pong mga safety officers na ipinapatalaga ng DOH sa mga local government units, iyong pagsunod sa minimum health standards sa mga evacuation centers,” dagdag pa ng kalihim.

Nakapagbigay na ang DOH ng P26.8 milyong halaga ng hygiene kits, gamot, face masks, at water containers sa Metro Manila at Calabarzon.

LATEST