Christmas bonus para sa gov’t employees, ipamamahagi simula Nob. 15: CSC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada

Inaasahang makatatanggap ng Christmas bonuses ang mga empleyado ng pamahalaan simula Nobyembre 15, ayon sa isang opisyal ng Civil Service Commission (CSC).

Sinabi ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada sa Laging Handa briefing noong Miyerkules na ipinag-uutos ng Budget Circular No. 2016-4 ng Department of Budget and Management sa mga ahensya ng pamahalaan na ibigay ang cash benefits para sa mga empleyado sa nasabing period.

Aniya, “The release is not earlier than November 15.”

“This lies with the DBM, but this is definitely good news to everyone,” dagdag pa ni Lizada.

Inanunsyo rin nitong nag-isyu ang CSC ng memorandum na nag-modify sa working arrangement ng government personnel.

“We modified the staggered working hours, which is now work shifting or flexible working hours,” paglilinaw ni Lizada.

Ayon kay Lizada, ang mga manggagawang 60-anyos at pataas, pati na ang may mga co-morbidities, ay maaaring i-require na pumasok onsite.

“If your services are indispensable or office work is permitted, your head of agency may require you to report for work,” giit ng CSC Commissioner.

LATEST

LATEST

TRENDING