9 alkalde, hindi sumipot sa kasagsagan ni ‘Ulysses’ dahil sa rasong may kaugnayan sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jansen Romero (Manila Bulletin)

Siyam na alkalde ang hindi sumipot upang gampanan ang kanilang tungkulin habang nasa kasagsagan ng Bagyong Ulysses, dahil sila umano ay nagpapagaling mula sa Covid-19 o di kaya ay naka-isolate, giit ni isang opisyal ng Gabinete noong Biyernes.

Ipinahayag ni Interior Secretary Eduardo Año na 1,038 na mga opisyal lamang ang present mula sa 1,047 na apektadong mga local government units

Ayon kay Año, “all accounted for” ang mga nasabing opisyal na hindi pinangalanan at sila ay nag-utos sa kani-kailang mga teams na i-deploy ang local disaster risk reduction and management councils at emergency teams.

“Iyong siyam na wala, ito ay various reasons, iba ay tinamaan ng COVID, ang iba ay under quarantine,” giit ni Año sa isang media briefing.

Ang DILG operations officers ay naka-istasyon sa bawat LGU tuwing may kalamidad. Pinagpapaliwanag naman ang mga lokal na opisyal hinggil sa kanilang pagiging absent. Sila ay maaaring maharap sa kasong administratibo sa ilalim ng Office of the Ombudsman kung mapapatunayang naging pabaya ang mga ito sa kanilang mga tungkulin.

Ang paghagupit ng Bagyong Ulysses ay ikinasawi ng 14 katao, habang tatlo naman ang missing.

Umabot rin sa mahigit P4.3 bilyon ang halaga ng pagkasirang idinulot nito sa imprastraktura at agrikultura.

LATEST