Palasyo, dinipensahan ang partisipasyon ni Calida sa electoral protest ni Bongbong Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Jose Calida defends family company�s contracts with government
Solicitor General Jose Calida
Kuha ni: Miguel de Guzman (Philstar)

Isinantabi ng Malacañang noong Martes ang mga kritisismo laban kay Solicitor General (SolGen) Jose Calida dahil sa pangingialam nito sa vice-presidential poll protest.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa mandato ng SolGen na pagtimbangin ang mga isyung may kinalaman sa sambayanang Pilipino, tulad ng pagtukoy sa kung sino ang “legal” na nanalo sa pagitan nina Pangalawang Pangulo Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos.

“He is the statutory counsel for the government and he has an interest in knowing who legally won in the vice-presidential election or we have an interest as a nation to find out if there is merit in that election protest,” ani Roque.

Ilang oras matapos maghain ng mosyon noong Lunes si Marcos sa Korte Suprema upang pigilan si Supreme Court Justice Marvic Leonen na sumama sa deliberasyon ng nasabing protesta dahil umano sa bias, nagsampa rin ng parehong mosyon si Calida.

Tinanggihan naman ni Marcos na kasabwat niya sa Calida. Hindi ito ang unang pagkakataon na kumampi si Calida kay Marcos hinggil sa election protest.

Sa pag-uumpisa ng buwan, sinabi nitong maaaring ideklara ng Korte Suprema, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal, ang annulment of election — na ikatlong cause of action sa petisyong inihain ni Marcos.

Balak namang kwestyunin ng kampo ni Robredo sa Korte Suprema ang “suspicious” na mosyong inihain ni Calida.

Samantala, itinanggi naman ni Roque na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa panghihimasok ni Calida sa poll protest.

“He does not micromanage, hinahayaan niya ang kanyang gabinete na umakto,” ani Roque.

Naghain si Marcos ng electoral protest laban kay Robredo noong Hunyo 30, 2016, para kwestyunin ang pagkapanalo nito bilang pangalawang pangulo sa naganap na halalan noong Mayo 2016.

Tinalo ni Robredo si Marcos sa lamang na 263,473 votes lamang. Matapos ang isinagawang recount, lumobo sa tinatayang 15,000 votes ang boto ni Robredo kontra kay Marcos.

LATEST

LATEST

TRENDING