Marikina, inaming nagkulang ito sa typhoon response bunsod ng paghagupit n ‘Ulysses’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Marikina mayor: Air rescue needed as 'Ulysses' flood thousands of homes
Kuha ni: Ted Aljibe (AFP)

Umapela ng tulong noong Huwebes ang Marikina City sa national government para sa pag-rescue ng mga na-stranded na residente sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Inamin naman ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na nagkaroon din ng pagkukulang ang lokal na pamahalaan pati na rin sa resources nito upang tugunan ang mga nangangailangan ng tulong.

Ayon sa alkalde, iba umano ang naging epekto ni Ulysses sa lungsod kumpara sa mga nagdaang bagyo, kabilang na ang mapaminsalang Bagyong Ondoy noong 2009. Mabilis umanong umakyat ang tubig ngayon kahit na sa mga lugar na hindi naman binabaha.

Aniya, “Napakabilis ng pangyayari. Tulad ngayon mahina na ang pag-ulan sa Marikina pero kita mo tumataas pa rin ang tubig sa ilang lugar.”

Nag-umpisang magsagawa ng forced evacuation ang mga awtoridad ng Marikina para sa mga residenteng malapit sa Marikina River noong 3 a.m.

Puno na ang lahat ng 47 evacuation centers sa lungsod, at ang ilang mga evacuees ay nakikituloy sa mga kalapit na bahay.

Nag-deploy din ng 57 rubber boats ang lungsod, subalit inamin ng alkalde na hindi ito sapat upang tugunan ang lahat ng mga nangangailangan.

Humingi naman si Teodoro ng tulong mula sa national government, subalit sinabi nitong nagpadala lamang ng isang rescue boat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa kasalukuyan.

“Sabi ko hindi pwedeng isang team lang, napakaraming lugar na binaha… Inaasahan ko ang timely response,” giit ni Teodoro.

Inako naman ng alkalde ang responsibilidad hinggil sa delay ng rescue operations para sa iilang mga residente.

Aniya, “Aminado ako na talagang nagkukulang ang pamahalaang lokal ngayon sa bagay na iyan… Inaamin ko ang pagkukulang namin sa pagkakataong ito. Hindi naman namin maipagmamalaki ito.”

“Tuloy-tuloy, hindi kami titigil sa rescue operations,” dagdag pa ng alkalde.

LATEST

LATEST

TRENDING